Mga sinalanta ng Bagyong Paeng sa Brgy. Magsaysay, Parang, Maguindanao patuloy na bumabangon
Ilang araw matapos salantahin ng Bagyong Paeng ang Brgy. Magsaysay, sa Parang, Maguindanao ay bakas pa rin ang trahedya sa bawat sulok ng barangay.
Isa ang Brgy. Magsaysay sa dalawampu’t limang barangay sa Parang, Maguindanao del Norte ang labis na nasalanta ng nagdaang bagyo at bagama’t ilang araw na ang nakakaraan ay hindi pa rin nawawala ang epekto ng trahedya
Ayon pa sa ilan nating nakapanayam na residente hindi nila inaasahan ang biglaang pagtaas ng tubig sa lugar dahilan kung kayat ang iba sa kanila ay hindi agad nakalikas
Sa pagbyahe ng grupo ng SMNI Foundation patungo sa lugar ay ilan sa mga tulay ay hindi rin pinalampas ni Bagyong Paeng o labis na naapektuhan, bagama’t under repair pa ay maari namang madaanan ng ilang mga vehicles.
Wasak na tahanan, sirang pangkabuhayan ang kalunos-lunos na sitawasyon sa naturang barangay.
Samantala, sa kabila ng naganap na trahedya ay hindi naman natatapos ang pagkamit ng pag-asa at dumadating na tulong para sa mga residente.
Patunay na nga rito ang tulong na hatid mula kay SMNI Honorary Chairman na si Pastor Apollo C. Quiboloy na kanya ng ginagawa kahit pa sa nakalipas na mga taon sa pamamagitan ng SMNI Foundation katuwang ang People’s Republic of China sa pangunguna ni Chinese Ambassador Huang Xilian kung saan libu-libong sako ng bigas, balde baldeng grocery items, tubig at mga pagkain ang ipapamahagi sa mga residente.
Bandang 10 ng umaga ng dumating ang mga relief goods mula sa Davao City lulan ng mga bus at trak kasabay ng mga volunteers isa lang ito sa ginaganap na nationwide at simultaneous relief efforts ni Pastor Apollo at Chinese Embassy para sa ating mga kababayang nasalanta ng Bagyong Paeng.
Hindi matatawaran ang ngiti at kagalakan ng bawat residente dahil sa natanggap na tulong na hindi nila inaasahan.
Labis din ang pasasalamat ng ilang kinatawan ng gobyerno at iba pang volunteers sa tulong na dumating sa Brgy. Magsaysay.
Bagama’t hindi man nakarating ng personal si Pastor Apollo sa Brgy. Magsaysay ay masasabi matagumpay ang kanyang misyon sa pamamahagi ng tulong at pag-asa para sa mga residente dito kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng bawat isa sa natanggap na tulong.
Matapos man ang araw na ito di man nila malimutan ang trahedya, dahil sa tulong na kanilang natanggap ay nagkaroon naman ang bawat isa ng bagong pag-asa.