Libo-libong sako ng bigas at mga relief goods, ipinamamahagi sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa Capiz
Pagpatak palang ng alas singko ng hapon Nobyembre 8 ay nakahanda na ang mga volunteers para hakutin ang libo-libong relief goods, sacks of rice gallons of water at food packs para ipamahagi sa mga biktima ng bagyong Paeng.
Sa balde palang na ibibigay ay talaga namang ikatutuwa ng kung sino mang tatanggap, dahil bukod sa isang sakong bigas, at mainit at malutong sa fried chicken, ay mayroon ding condiments, kape, tinapay, can goods, noodles, at iba pang uri ng grocery items.
Dahil dito, tila mas naging excited ang mga volunteers kesa sa mga beneficiaries sa dami ng matatanggap ng bawat indibidwal na dumalo sa relief operation.
Maaga palang ay nakahanda na rin ang Philippine Army trucks para sunduin ang mga beneficiaries sa Barangay Bahit na lubos ring sinalanta ng bagyong Paeng.
Pagdating sa gym ng Barangay Talasa kung saan gaganapin ang relief operation ay dagsaan na ang mga beneficiaries, sa dami ng mga tatanggap ng ayuda ay kinailangan pa na magkaroon ng 2nd batch sa pagbibigay ng relief goods.
Maagang pamasko kung maituturing ng mga benepisyaryo ang kanilang matatanggap mula sa SMNI Foundation Incorporated through Pastor Apollo C. Quiboloy and People's Republic of China Ambassador Huang Xilian.
Anila, ngayon lang sila nakatanggap ng sobra-sobrang relief goods na makapagbibigay sa kanilang kabusugan sa kanilang buhay na every meal is a challenge.
Kaya naman lubos na nagpasasalamat ang Gobernador ng Capiz na si Fredenil H. Castro kay Pastor Apollo C. Quiboloy at kay China Ambassador Huang Xilian.
Lubos puso naman ang pasasalamat ni Governor Fredenil H. Castro, Vice Governor James Magbanua at board member ng 1st district na si Thea Faith Reyes sa ipinaabot na tulong sa kanilang mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Paeng.
Para naman sa beneficiaries, luha nalang ng kaligayahan ang kanilang maisusukli sa tulong na ibinigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy at ng China Ambassador Huang Xilian.

